MAY BAGO NA | Atty. Walter Ong, itinalaga ni Pangulong Duterte sa Court of Appeals

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Walter Ong sa Court of Appeals.

Pupunan ni Walter ang posisyong iniwan ni Associate Justice Noel Tijam na itinalaga sa Korte Suprema noong Marso.

Si Ong ay isang private practitioner, graduate ng Ateneo School of Law at kapatid ni dating Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong.


Samantala, sa hiwalay na appointment letter, itinalaga rin ng pangulo si Maria Cristina Cornejo bilang Associate Justice ng Sandiganbayan.

Si Cornejo ay judge ng Makati Regional Trial Court Branch 141 na naghain ng vacate order laban sa Sunvar Realty Development Corp. mula sa mile long property sa Sandiganbayan.

Facebook Comments