MAY BANTA SA BUHAY | Resignation letter ni CHED Executive Yee, natanggap na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng Malacañang na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Commission on Higher Education (CHED) Executive Director Karol Marc Yee.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pagdedesisyunan pa ng Pangulo ang pagbitiw sa pwesto ng opisyal.

Sinasabing nagbitiw sa pwesto si Yee dahil sa harassment na kanyang nararanasan at mga banta sa kanyang buhay.


Giit ni Roque, kung gugustuhin ni Yee, maaari naman niyang idulog sa pulisya ang usapin.

Matatandaan na itinalaga ni Duterte si Yee noong June 2017 matapos sibakin ng Ombudsman si CHED Executive Director Julito Vitriolo dahil sa kabiguang imbestigahan ang alegasyon ng “diploma mill” laban sa pamantasan ng lungsod ng Manila.

Pero ipinag-utos ng Court of Appeals na ibalik sa pwesto si Vitriolo noong August 2017 dahil hindi sapat ang paglabag na kanyang ginawa para tanggalin siya sa pwesto.

Gayunman, hindi ito ipinatupad ng nagbitiw na CHED chairperson na si Patricia Licuanan.

Facebook Comments