MAY BASBAS | Paglalabas ng pondo para sa pagbili ng Dengvaxia, aprubado ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Nilinaw ni dating Budget Secretary Butch Abad kung saan kinuha ang P3.5 billion na pondo pambili ng Dengvaxia Vaccine.

Ayon kay Abad, naglabas ng memo ang Department of Health para sa pagbili ng nasabing bakuna.

Aniya, ang DOH ang nagrekomenda kay Pangulong Noynoy Aquino na gamitin ang savings noong 2016 pambili ng Dengvaxia vaccine.


Dahil savings ang gagamitin at huli na ng maglabas ng Certificate of Product Registration mula sa FDA, binigyang otorisasyon ni dating pangulong Aquino ang realignment sa 2016 budget ng DOH at nai-release ang pondo para sa programang ito ng ahensya.

Sinabi pa ni Abad na sa katunayan ay nasa P11 billion pa nga ang inilabas na pondo mula sa savings para sa Dengvaxia Vaccine pero kasama na dito ang pagtatayo ng mga Rural Health Units at Barangay Health Stations.

Tiniyak pa ni Abad na ang pondo na ginamit para sa Dengvaxia ay well guided at dumaan sa proseso.

Facebook Comments