MAY BASEHAN | Opisyal ng Mindanao Development Authority sa Davao kakasuhan ng Ombudsman

Davao City – May sapat na basehan para madiin sa kaso ang isang opisyal ng Mindanao Development Authority sa Davao City dahil sa katiwalian.

Base sa records ng Office of the Ombudsman ,nilabag umano ni Mindanao Development Authority Finance and Administrative Services Office Director 4 Charlita Escaño ang umiiral na batas na Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Pinayagan umano ni Director Escaño ang kanyang asawa na si Engineer Allan Escaño na isang pribadong indibidwal na dumalo sa “Basic Occupational Safety and Health Course for Construction Officers”sa Ritz Hotel sa Davao City noong Marso 16 hanggang 20 2015.


Gumastos umano ang MinDA ng ₱30 libong piso para sa bayarin sa registration ng limang participants, subalit apat na employees lamang ang nakadalo kasama si Engineerr. Escaño, na pumalit kay Engineerr. Renato Buhat, Jr. Na nagpaabot na hindi makadalo sa seminar.

Sa kanyang Counter-Affidavit,ginawang alibi nito na hindi na ma-refund ang naibayad na sa Registration sa hindi nakadalong participant kaya ginawa na lamang niyang replacement ang asawa na pinayagan naman ng mga Organizer.

Facebook Comments