Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mayroong pinagbasehan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak nito kay Housing and Urban Development Coordinating Council Secretary General Falconi Millar.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, Mismong si Pangulong Duterte ang nagpaimbestiga kay Millar matapos itong ireklamo dahil sa katiwalian.
Sinabi ni Panelo na batay sa reklamo kay Millar na nakarating kay Pangulong Duterte ay maryoon itong hinigan na kumpanya na naging basehan ng Pangulo para paimbestigahan ito at ang resulta ng imbestigasyon ay naging basehan ng desisyon ng Pangulo na sibakin si Millar sa puwesto.
Matatandaan na sinabi ni Millar sa isang pahayag noon ay paninira lamang ito laban sa kanya dahil mayroon siyang nabanggang mga indibidwal habang ginagampanan ng tama ang kanyang tungkulin.