MAY BITBIT NA BARIL | Pag-aresto kay consultant Rafael Baylosis, nilinaw ni PNP Chief

Manila, Philippines – Nililinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director Ronald Dela Rosa na walang standing warrant arrest ang naarestong consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) na si Rafael Baylosis at kasama nitong si Guillermo Roque.

Dinakip aniya ang mga ito ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar dahil sa pagbibit ng baril kaya ngayon ay nahaharap itong sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Illegal Possession of Firearms.

Binantayan at minonitor aniya ng mga pulis at sundalo ang mga suspek kaya naaresto kahapon sa Aurora Boulevard Corner Katipunan Avenue, Quezon City.


Narekober sa dalawa ang dalawang kalibre 45 baril, 14 na ammunition at dalawang magazine.

Batay sa nakuhang report ng PNP at militar nagsisilbing Acting Secretary ng New People’s Army (NPA) si Rafael Baylosis.

Facebook Comments