MAY BUDGET NA | Mga kawani ng gobyerno, matatanggap na ang performance bonus ngayong buwan

Manila, Philippines – Matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang 5,000 pesos na performance bonus sa darating na December 15.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), aabot sa 7.5 billion pesos ang inilaang budget para gawaran ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) ang nasa 1.5 million government workers.

Maibibigay ang bonus sa mga empleyado na nakapagtrabaho mula noong November 30, 2017 at nakapagserbisyo na sa pamahalaan ng apat na buwan.


Ang performance bonuses ay sakop ang lahat ng position ng civilian personnel, opisyal at empleyado ng mga lokal na pamahalaan, sundalo at pulis.

Facebook Comments