MAY BUKBOK | Saku-sakong NFA rice, sumailalim sa fumigation

Sumasailalim na sa fumigation ang daang-daang NFA rice na nakitaan ng rice weevil o bukbok na nasa Subic Bay Freeport Zone at pantalan ng Tabaco City, Albay.

Ayon kay National Food Authority o NFA Spokesperson Rex Estoperez, nasa 177,000 sako ng NFA rice ang sumasailalim sa fumigation sa Albay habang nasa 130,000 ang nasa Subic.

Aniya, maaaring may mga itlog na ng bukbok ang bigas bag pa ito dumaong sa Pilipinas ang barkong may dala sa mga ito.


Sabi naman ni Ronie Manuel, Bureau of Plant Industry (BPI) plant quarantine officer, ang matagal na pagkakaimbak sa barko ang dahilan kung bakit pineste ang sako-sakong bigas.

Paliwanag ni Manuel, ipapalaot ang barko at doon ipu-fumigate.

Nilinaw din ni Manuel na ligtas ang bigas kahit sumailalim sa fumigation dahil muli itong susuriin bago ibenta sa merkado.

Facebook Comments