MAY DAHILAN | Pagbuwag sa road board, may mabigat na dahilan – ayon kay Secretary Diokno

Manila, Philippines – Inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang isang dahilan kung bakit kailangang buwagin ang road board.

Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Diokno na batay sa records ng Commission on Audit noong 2004 ay aabot sa 90.7 billion pesos ang misused funds ng Road Board o ang Road Users Tax na pinangangalagaan nito.

Nataon aniya ang record na ito ng COA noong 2004 Presidential Elections kung saan sinabi ng COA na misappropriated at mahigit 90 billion pesos na hindi naman nagamit sa pagkukumpuni ng mga kalsada at sa halip ay nagamit lamang sa pagbili ng mga walis, uniporme ng mga street sweepers na una narin naman aniyang isiniwalat ng yumaong Senador Miriam Defensor Santiago.


Kaya naman naninindigan si Diokno na hindi dapat ilabas ang pondo ng road board at buwagin nalang ito na nais din naman aniyang mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangamba na baka magamit ito sa panahon ng eleksyon sa susunod na taon.

Facebook Comments