Kuwait – Inaasahan ngayon araw ay ilalabas na ang desisyon kung aalisin na ang deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na hinihintay pa nila ang report ng labor attaché sa Kuwait na naglalaman ng rekomendasyon kung pananatilihin o aalisin ang ban sa pagpapadala ng mga OFW sa naturang bansa.
Paliwanag ng kalihim na hindi lang ang usapin ng pagmamaltrato ang dahilan ng suspensyon kung hindi maging ang mga insidente ng problema sa pagpapasahod sa mga OFW sa Kuwait.
Una rito, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan siyang pauwiin ang mga OFW sa Kuwait kung hindi matitigil ang pang-aabuso sa mga Pilipino doon.
Base sa talaan aabot sa 250 libong mga Pinoy ang nagtatrabaho sa Kuwait na karamihan ay mga domestic workers.