MAY DIPERENSYA? | Mister na ‘pinaghati-hati’ ang katawan ng kaniyang misis, ipasusuri sa pyschiatrist

Manila, Philippines – Isasailalim sa psychiatric examination si Orlando Estrera 43-anyos na nang chap-chop sa katawan ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Republic Avenue Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa press conference sa Camp Karingal, sinabi ni Quezon City Police District Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, na layunin nito na madetermina kung may diperensya talaga sa isip ang suspek.

Batay sa suspek, hindi niya malaman kung kambing o anong uri ng hayop ang nasa loob ng katawan ng misis dahil umaga pa lamang daw ay galit na ito.


Dagdag pa ni Estrera, hinahanap lang naman daw niya sa loob ng tiyan ng asawa ang fetus na pinag paguran niya raw ng matagal na panahon.

Ayon kay Eleazar, experto lamang ang magsasabi kung tunay na may karamdaman sa isip si Estrera o nagkukunwari para takasan ang pananagutan.

Wala namang balak ang QCPD na ihiwalay ang suspect dahil sa takot na makapaminsala ito ng ibang detainee.

Nagnegatibo naman sa illegal na droga si Estrera batay sa resulta ng naging pagsusuri sa kaniya.

Nadiskubre ang kalunus-lunos na pagpatay nang makita ng mga kapitbahay ng pamilya Estrera ang mga itinatapon ni Orlando na baha-bahagi ng pinag-puputol nitong katawan ng asawang si Heidi Estrera 46 anyos.

Facebook Comments