MAY EBIDENSYA | Aksyong legal laban sa mga miyembro ng KADAMAY na umano’y nagpaparenta ng inokupahang pabahay, pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng National Housing Authority (NHA) kung anong aksyong legal ang pwede nilang gawin laban sa mga miyembro ng Kadamay na mapapatunayang sangkot sa pagpaparenta ng mga pabahay na inokupahan nila sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay NHA Chief of Staff Christpher Mahamud, inatasan na nila ang legal department na pag-aralan ang isyu lalo’t hindi anya ito isolated case.

Napakarami pa aniyang reklamo ang dumadating sa kanilang opisina pero kailangan pa itong i-validate ng ahensya.


Sa ngayon, nasa 667 na mga housing units na napaulat na pinapaupahan ng KADAMAY ang kanilang bina-validate.

Itinanggi naman ng KADAMAY ang alegasyon.

Pero ayon sa NHA, mayroon silang video evidence mula sa isang supposed buyer ng housing unit kung saan makikita kung paanong ibinebenta ng kadamay member na si Jerry Lavado ang bahay.

Facebook Comments