May Edad 12 Hanggang 17, Maaari nang Bakunahan Kontra COVID-19 sa Lalawigan ng Quirino

Cauayan City, Isabela- Hinihimok ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua ang mga magulang na gustong pabakunahan kontra COVID-19 ang kanilang mga anak na may edad 12 hanggang 17.

Ayon kay National Immunization Program Coordinator Gerald Miguel ng Provincial Health Office, ang bakuna na kanilang ituturok sa nasabing edad ay Pfizer at ang unang mababakunahan ay ang mga may comorbidities.

Pinayuhan rin ng Gobernador ang mga magulang na gustong pabakunahan ang kanilang mga anak na mangyaring makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay health workers o RHU staff upang makuha ang kanilang profile at maibigay ang schedule ng pagbabakuna.


Kinakailangan lamang na magdala ng birth certificate na nagpapatunay na nasa edad 12 -17 ang mga anak.

Facebook Comments