MAY EPEKTO? | DOST,umapela sa publiko na sundin ang Philippine Standard Time

Manila, Philippines – Hinihikayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang bawat Pilipino na sundin ang Philippine Standard Time (PhST).

Bilang bahagi ng National Time Consciousness Week (NTCW), sinabi ng DOST ang pagsunod sa Philippine Standard Time (PhST) ay kapaki-pakinabang hindi lamang para sa mga ahensya ng gobyerno, kundi para sa bawat indibidwal.

Sinabi ni DOST-Science and Technology Information Institute Director Richard Burgos, ang hindi pagkilala sa Philippine Standard Time (PhST) ay maaaring makakaapekto sa mga indibidwal sa iba’t ibang paraan.


Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagbibigay ng Philippine Standard Time (PhST) ay nagsabi na nais nitong pataasin ang antas ng kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa Philippine Standard Time (PhST).

Inamin ng ahensiya na walang paraan para masubaybayan ang pagsunod ng lahat.

Kung maaalala, inilunsad ng DOST ang kampanya “Juan” Time noong Enero 2014 upang mas mahusay na itaguyod ang Philippine Standard Time (PhST) sa mga tanggapan ng gobyerno.

Naobserbahan ng DOST na maraming magagandang pagbabago na nangyari sa mga tanggapan ng gobyerno dahil inilunsad ang “Juan Time”

Facebook Comments