MAY EPEKTO SA KALIKASAN | Tangkang pagsunog sa 4.7 million na halaga ng sigarilyo sa Bulacan, pipigilan

Manila, Philippines – Umapela si dating Agham PL Rep. Angelo Palmones sa Korte Suprema na agad na magpalabas ng writ of kalikasan para mapigilan ang mga opisyal sa binabalak na pagsunog sa mga nakumpiskang pakete ng sigarilyo sa may Norzagaray, Bulacan.

Kaugnay dito ay naghain ng petisyon sa SC ang dating kongresista para pigilan ang pagsunog sa mga nakumpiskang sigarilyo mula sa Mighty Corp. na aabot sa 4.7 million pesos ang halaga.

Nakakabahala aniya ang balak na pagsusunog sa mga sigarilyo dahil ito ay gagawin sa watershed area na malapit sa Angat at La Mesa Dam.


Iginiit nito na tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan ng publiko para sa balanse at malusog na kapaligiran.

Dagdag dito, tiyak na mako-contaminate ang Angat lalo na ang La Mesa Dam pag natuloy ang pagsusunog sa mga sigarilyo na delikado sa kalusugan ng mga tao at sa kapaligiran.

Nakasaad din sa petisyon ang kahilingan na magpalabas ng Production Order at Temporary Protection Order upang mapigilan ang balak na pagsusunog sa mga nakumpiskang sigarilyo.

Facebook Comments