Hollywood – How true ang bali-balitang engaged na raw si Canadian Pop Superstar Justin Bieber sa model-TV personality na si Hailey Baldwin?
Usap-usapan ngayon na inalok na ni Justin ng kasal si Hailey habang nasa isang restaurant sa Bahamas nitong weekend.
Lalo pang umingay ang balita nang mag-post sa social media ang mga magulang nina Bieber at Baldwin na tila pahiwatig tungkol sa relasyon ng dalawa.
Sabi ng ama ni Justin na si Jeremy, proud siya sa kanyang anak at excited siya sa “next chapter” ng buhay nito habang may hashtag congrats naman sa post ng ama ni Hailey, ang Hollywood star na si Stephen Baldwin.
Taong 2014 nang unang mabalita ang on-and-off relationship ng dalawa.
Facebook Comments