MAY FOREVER! | Matapos sumuko sa lalaki, isang babae sa Mexico nagpakasal sa puno

Mexico – Matapos na sumuko sa lalaki, sa puno na lang nagpakasal ang isang babae sa Mexico.

Kamakailan nga nang mag-viral sa social media ang mga larawan ng isang bride habang yakap at hinahalikan ang trunk ng puno bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal dito.

May naganap ding hagisan ng boquet, pero sa halip na tao, sa mga puno rin ito inihagis.


Pero paglilinaw ng website na match.com, kasal-kasalan lang talaga ang nangyari dahil sa totoong buhay, hindi naman pwedeng ikasal ang tao sa isang halaman.

Layon ng ginawang Wedding Ceremony na imulat ang publiko sa matagal nang problema ng Illegal Logging sa San Jacinto amilpas sa Oaxaca State.

Ang Oaxaca ay isa sa limang state sa Mexico kung saan talamak ang Illegal Logging na kinokontrol pa ng mga sindikato.

Sinisimbolo anila ng ginawa nilang kasal-kasalan ang pangakong aalagaan ang kalikasan.

Facebook Comments