Enjoy sa kanilang honeymoon trip ang Pinay international singer na si Rachelle Ann Go at American husband.
Sa mga online post ni Go, inilibot ng mag-asawa ang mga bansa sa Europe kung saan break muna siya sa mga project sa Broadway.
Unang itinuring ni Rachelle Ann na answered prayer ang marriage proposal ni Mark Spies noong Setyembre ng nakaraang taon, na halos sabay sa kanyang birthday noong Agosto.
Wala na din daw mahahanap pa si Rachelle Ann na katulad ni Spies dahil kapawa din daw sila God-centered at iniintindi ang mga mahal sa buhay.
Nabatid na ang kanyang 30-year-old husband ay nakabase sa New York at kasalukuyang general manager ng isang fitness club.
Facebook Comments