MAY FOREVER! | Sheena Halili, engaged na sa non-showbiz boyfriend

Manila, Philippines – Engaged na ang aktres na si Sheena Halili sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeron Manzanero.

Ito ay makaraang mag-proposed si Jeron kay Sheena sa loob ng isang sinehan sa Greenhills, San Juan kagabi.

Nabatid na inarkila ni Jeron ang buong sinehan kung saan lumabas sa screen ang mga katagang “Sheena, will you marry me?”


Umiiyak na tinanggap naman ni Sheena ang proposal at hinalikan ang kanyang fiancé.

Present sa wedding proposal ang pamilya at mga kaibigan mula sa industriya ni Sheena kabilang ang kapwa kapuso actress na si Rich Asuncion.

Sa video na ipinost ni Rich sa instgram, makikita magkayakap na umiiyak si Sheena habang pinapanood ang wedding proposal ni Jeron.

Facebook Comments