MAY FORMALIN? | BFAR, kumuha ng sample ng mga gigi para isailalim sa pagsusuri

Kumuha na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng sample ng iba’t-ibang laki ng galunggong sa ilang pamilihan sa Quezon City para isailalim sa pagsusuri.

Ito ay matapos magbabala ang grupong pamamalakaya na posibleng may formalin ang mga imported na galunggong sa pamilihan.

Ayon kay Agriculture Undersecretary at BFAR Director Eduardo Gongona, nagtakda na sila ng monitoring teams na sisiguro sa kalidad ng mga galunggong.


Aniya, maghihigpit rin sila sa pagpasok sa merkado ng mga inangkat na isda.

Kasabay nito, nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol na sa unang linggo pa ng Setyembre posibleng dumating sa bansa ang unang shipment ng imported na galunggong.

Aniya, tatlong bansa ang posibleng pagmulan ng imported na galunggong ito ay ang China, Vietnam at Taiwan.

Kapwa aniya zero tariff kapag galing sa Vietnam at China habang mayroon namang five percent tariff kapag galing Taiwan.

Mababatid na mag-aangkat ang Pilipinas ng galunggong para punan ang kakulangan sa supply at mapababa ang presyo nito sa merkado.

Facebook Comments