MAY GALIT?| Agot Isidro, pinagbantaan ng basher

Manila, Philippines – Nakatanggap ng pagbabanta mula sa isang basher ang aktres na si Agot Isidro.

Tatlong magkakasunod na tweets ang ibinahagi ni Agot kahapon kung saan makikita ang screenshot ng pagbabanta ng twitter user na @rusco87690206.

Sabi ng basher, malaman lang niya kung saan ang press-con ng sunod na proyekto ni Agot ay pupuntahan niya ito at bubuhusan ng asido sa mukha.


Agad naman na-deactivate o nasuspinde ang account ng basher matapos na mag-tweet ng PNP hotline at sinabihan ang twitter user na pwede siyang makasuhan.

Si Agot ay kilalang kritiko ni Pangulong Duterte na ilang beses na ring nakatanggap ng mga pagbabanta mula sa mga tagasuporta ng Pangulo.

Facebook Comments