Misamis Oriental – Patay ang mag-asawa sa Purok 3, Barangay San Roque,
Medina Misamis Oriental matapos minasaker kahapon.
Ayon kay Police Senior Inspector Arnold Sala, ang Chief of Police ng
Medina Municipal Police Station, na ang mga biktima ay sina
Orlando Pabular, 53 anyos, at asawang si Anita Pabular, 47 anyos.
Dagdag pa ni Senior Inspector Sala, na binaril ang mga biktima gamit ang
9mm at .45 kalibre ng armas sa loob ng kanilang bahay.
Naniniwala ang kapulisan na may galit ang mga suspek dahil maliban sa
nakitang tama ng bala sa katawan mga biktima ay mayroon pang
ibang mga sugat ang mag-asawa.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo ng krimen at
kung sino ang pumatay sa mga biktima.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>