Manila, Philippines – Binigyan na ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Secretary to the Cabinet Jun Evasco na mag-angkat ng 250,000 metriko toneladang bigas.
Ito ang utos ni Pangulong Duterte sa harap narin ng kakulangan ng NFA Rice at pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Evasco, ipinatawag narin niya ang NFA Council para sa special meeting sa darating na Lunes na gaganapin sa Malacañang.
Ilalatag sa nasabing pulong kung paano ang magiging paraan ng pagbili ng mga aangkating bigas kung saan posibleng maging government to government o government to private transaction.
Possible din naman aniyang ipaubaya nalang sa mga negosyante ang pagbili ng bigas sa ibang bansa.
Matatandaan na tiniyak na ng Malacañang na walang kakulangan ng supply ng bigas ang NFA dahil sa tone toneladang bigas na nakatakdang dumating sa bansa.
MAY GO SIGNAL NA | NFA council, maaari nang mag-import ng 250,000 metriko toneladang bigas
Facebook Comments