MAY HAHARAPING KASO | Mga pulis na naaktuhang nag-iinuman at natutulog habang naka-duty, mananagot

Manila, Philippines – Siniguro ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde na mananagot ang mga pulis sa Southern Police District na naaktuhang nag-iinuman at natutulog habang naka-duty ngayong Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay Albayalde paniguradong may kahaharaping kasong administratibo ang mga pabayang mga pulis.

Una nang tinanggal sa puwesto ang hepe at mga tauhan ng tatlong police station matapos maaktuhang nag-iinuman at natutulog habang naka-duty.


Kabilang sa mga tinarget sa surprise inspection ni Director Oscar Albayalde, hepe ng Metro Manila Police, ang Police Community Precinct (PCP) 4 sa Muntinlupa City gayundin ang ang PCP 8 sa Maricaban, Pasay City.

Facebook Comments