MAY HALONG COCAINE | Bagong variety ng ecstasy, natuklasan ng PDEA

Manila, Philippines – Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na mayroon na namang bagong variety ng ecstasy na hinahaluan ng cocaine at ikinakalat sa na sa mga bar at night clubs.

Kasunod ito ng pagkakakumpiska ng naturang droga sa isang operasyon isang condominium sa Mandaluyong City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naarestong supplier na si Lester Almalbez, 35 anyos at residente ng Unit 410 Princeville Condominium.


Nakumpiska sa kanyang tirahan ang liquid ecstasy na nakalagay sa 20 bote ng energy drink,1.6 na litro ng liquid ecstasy na may street value na 480,000 pesos kabilang ang 70 piraso ng ecstasy tablet na may halagang 46,000 pesos at anim na pakete ng cocaine na nagkakahalaga ng 140,000 pesos.

Dahil dito,palalawakin na ng PDEA ang kanilang intelligence gathering para maaresto ang mga tiwaling elemento na responsable sa makabagong trend ng illegal drug trafficking.

Facebook Comments