Manila, Philipines -Tinawag na shock and awe ng Migrante International ang total ban sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.
Ayon kay Arman Hernando, spokesperson ng Migrante International, isa itong malakas na mensahe sa Kuwait na dapat nang tuldukan ang impunity sa mala-hayop na trato sa mga domestic helper doon.
Gayunman, sinabi ni Hernando na hindi ang total ban ang solusyon sa problema.
Hinamon ng grupo ang gobyerno na i-evaluate ang performance ng mga embahada sa Kuwait at bumuo ng comprehensive program na titiyak sa ganap na proteksyon sa mga OFWs.
Mauuwi aniya sa malaking krisis ang total ban kung hindi rin makalikha ng sustainable job alternatives dahil makikipagsapalaran lamang ang mga OFWs sa ibang bansa na maituturing pa rin na mapanganib.
MAY HAMON SA GOBYERNO | Total ban ng pagpapadala ng OFW sa Kuwait, hindi solusyon sa problema – Migrante International
Facebook Comments