China – “Super girl” kung tawagin ngayon ang dalawang taong gulang na babae sa Changzhou, China.
Ito ay matapos na himala siyang nabuhay makaraang mahulog mula sa 17th floor ng isang apartment building.
Lumabas daw saglit ng kanilang bahay ang lola para mag-grocery at iniwan ang natutulog niyang apo.
Pero ilang sanglit lang, nagising na raw ang bata at hinanap ang kanyang lola.
Tumuntong ito sa upuan hanggang maabot ang bukas na bintana ng apartment pero nawalan siya ng balanse at nahulog!
Ayon sa mga nakasaksi, nakapaglakad pa raw ang bata matapos na mahulog sa isang maliit na garder sa gilid ng gusali.
Agad naman siyang isinugod sa Changzhou Children’s Hospital at laking gulat ng mga doktor.
Facebook Comments