MAY IBANG DAHILAN? | Mataas na inflation rate, hindi pa dahil sa TRAIN – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion ang dahilan ng pagtaas ngayon ng inflation rate sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maaga pa para sabihin na nagkaroon ng malaking epekto sa presyo ng mga bilihin ang TRAIN.
Paliwanag ni Roque, noong Enero palang naipatupad ang TRAIN at hindi naman agad naipataw ang excise tax sa mga produktong petrolyo hanggang hindi nauubos ang una nang inventory nito at mayroon din naman aniyang mga buwis sa TRAIN na hindi pa naipatutupad.
Sinabi pa ni Roque na posibleng mayroong ibang dahilan kung bakit mahal ang presyo ng langis at kabilang dito ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments