MAY ILAW NA | Kuryente sa 16 na lalawigan, naibalik na – NGCP

Naibalik na ang normal na supply ng kuryente sa 16 na lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mayroon nang kuryente sa probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Abra, Benguet, Ifugao at Mountain Province.

Ang power supply naman sa Isabela Province ay substantially restored habang patuloy ang restoration sa mga lalawigan ng Cagayan, Kalinga at Apayao.


Facebook Comments