Manila, Philippines – Ipinagtataka ngayon ni Department of Transportation Assistant Secretary for Railways Mark Tolentino kung bakit siya pinipigilang maglabas ng update sa bidding ng Mindanao Railway Project.
Ayon kay Tolentino, may ilang opisyal sa kanilang kagawaran ang umano ay minamanipula ang bidding kung saan pinagbabawalan siyang magsalita hinggil dito.
Ibinunyag din ni Tolentino ang pangalan ng opisyal na pumipigil sa kaniya na magsalita sa gagawing bidding na nakatakda sa Hunyo.
Sa tingin ni Tolentino, may balak na harangin ang Mindanao railway dahil gusto itong utangin gayung may nakalaan naman 36 billion budget na kukunin mula sa general appropriations act.
Samantala, iginiit ni DOTr Communications Director Goddess Libiran, hindi authorized ang press conference ni Tolentino dahil mayroong pa daw mga isyu na dapat pag-usapan.
Itinanggi naman ito ni Tolentino dahil pinayagan daw siya ni Secretary Arthur Tugade na magsalita sa nasabing proyekto.