‘MAY KARAPATAN’ | GRAB Philippines, nagmatigas na wala silang nilabag sa pag-charge ng 2 pesos time travel

Manila, Philippines – Nanindigan ang GRAB Philippines na legal ang dagdag na dalawang piso per travel time na kanilang sinisingil sa kanilang mga pasahero.

Ayon ka Grab country head Bryan Cu, sa ilalim ng direktiba ng DOTC na lumikha ng Transport Network Companies, mayroon umano silang karapatan na magpatupad ng tinawag niyang normalize fare increase nang hindi na mangangailangan ng pag-apruba ng LTFRB.

Layunin aniya nito na matulungan ang kanilang mga partner drivers na makaagapay sa mga abnormal na sitwasyon tulad ng matinding trapiko.


Aniya, walumpung porsyento ng 2 pesos travel tome charge ay napunta sa kanilang mga driver

20 percent sa Grab na bumabalik sa mga pasahero sa anyo ng mga promo.

Sa sandali naman na mapatunayan ng LTFRB na nagmalabis sila sa implementation ng 2 pesos time travel charge na siningil nila sa mga pasahero, Handa naman silang tumalima rito.

Facebook Comments