Hindi makapaghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Sulu Rep. Munir Arbison dahil sa 17 bilang ng kasong arson na kinakaharap nito.
Nag-isyu ng warrant of arrest si branch 4 Parang, Sulu Judge Grace Tillah sa 1 bilang ng arson case laban kay Arbison.
Nauna nang naisyuhan noon ng WOA si Arbison sa pitong bilang naman sa kaparehong kaso pero nakakuha ang kongresista ng temporary restraining order laban dito mula sa Court of Appeals.
Ang bagong WOA ay active dahilan kaya hindi makapaghain ng kanyang kandidatura para sa reelection ang kongresista.
Samantala, ilang kongresista ang naghain ng kanilang mga COC for re-election.
Kabilang dito sina Akbayan Rep. Tom Villarin, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, 1-PACMAN PL Rep. Mikee Romero, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Albay Rep. Edcel Lagman at Leyte Rep. Henry Ong.
Tumatakbo naman bilang gobernador ng Cordillera si Ifugao Rep. Teddy Baguilat.
Sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu naman ay naghain ng kandidatura para sa pagkaSenador sa 2019.
Itutuloy ni Alejano ang paglaban sa karapatan ng mga beterano at retirees habang si Mangudadatu ay nais namang wakasan ang giyera sa Mindanao sa pamamagitan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.