MAY KATIWALIAN? | PCUP, bubuwagin ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pangunahing dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbuwag sa Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP ay ang katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, junkets abroad o mga biyahe sa labas ng bansa ng ilang opisyal ng PCUP ang isa sa dahilan ng pagbuwag ng komisyon, hindi din aniya nito nagagampanan ang mandato na pangalagaan ang kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino sa mga lungsod o mga urban poor.

Nilinaw din naman ni Roque na sa National Anti-poverty Commission ililipat ang ilang trabaho o proyekto ng PCUP.


Sinabi ni Roque na nakausap na niya si Terry Ridon na Commissioner ng PCUP ang desisyon ng Pangulo pero hindi ito direktang sinabi sakanya ni Pangulong Duterte.
Nilinaw din naman ni Roque na walang kinalaman ang pagiging makakaliwa ni Ridon sa pagbuwag sa commission na pinamumunuan nito.

Inaabangan din naman ng Malacañang ang opisyal na papel kautusan mula sa pangulo na siyang pormal na magbubuwag sa PCUP.

Facebook Comments