Manila, Philippines – May agam agam o hinala ang pamilya ni Tanauan Mayor Antonio Halili na may kinalaman ang gobyerno sa pagpatay dito.
Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, sinabi ito sa kanya ng pamilya ni Mayor Halili nang dumalaw siya sa lamay ng pinaslang na Alkalde.
Sabi ni Lacson, pinayuhan nya ang pamilya ni Halili na hintayin na lang ang resulta ng imbestigasyong isinasagawa ng mga otoridad.
Binanggit din ng pamilya ni Halili kay Lacson na ilang linggo bago maganap ang krimen ay mayroon silang napansin na dalawang saskyan na nagsasagawa ng surveillance sa kanila.
Pero natuklasan nilang peke ang mga plate numbers nito ng kanilang ipaberika.
Kaugnay nito ay inamin ni Lacson na nagsasagawa din sya ng sariling imbestigasyon para makatulong sa mga otoridad at sa pamilya ni Halili.
Mayroon na ring mga pinaghihinalaang suspek si Lacson pero tumanggi muna siyang ilahad ang pagkakakilanlan o detalye nito.