MAY KINALAMAN SA DROGA? | Tricycle driver pinagbabaril patay sa Manila

Manila, Philippines – Nasawi ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Guazon Ave., Paco, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jimmy Liban, 40 anyos isang tricycle driver.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jeff, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pamamaril.


Matagal na kasi umano nila itong pinatitigil sa paggamit ng iligal na droga pero hindi ito humihinto sa kanyang bisyo.

Nabatid na dating may kasong robbery ang suspek at nakalaya lang mula sa kulungan noong 2015.

Ayon sa imbestigasyon ng MPD inihayag ng saksi na bigla siyang nakarinig ng 4 hanggang 5 magkakasunod ng putok ng baril sa lugar.

Nasa 4 na lalaki umano na sakay ng 2 motorskilo ang mga suspek sa krimen na agad tumakas papunta ng UN Avenue.

Sa tala ng SOCO, nasa 6 na basyo ng bala ng kalibre 45 ang nagkalat sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments