MAY KINIKILINGAN? | COMELEC spokesman, mistulang tagpagsalita ng Smartmatic – Senator Sotto

Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto III, nagmimistulang tagapagsalita na ng Smartmatic si Commission on Elections o COMELEC Spokesman James Jimenez.

Ito ay makaraang sabihin ni Jimenez na hilaw ang ibinunyag ni Senator Sotto na mga batayan na nagkaroon umano ng dayaan noong 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Sotto, pawang palusot lang ang alam sabihin ni Jimenez at mabuti pa aniya ang mga COMELEC commissioners na naghayag na iimbestigahan nila ang kanyang mga expose.


Sabi ni Sotto, dapat abangan ni Jimenez ang kanyang magiging privilege speech sa Lunes kung saan ididetalye niya ang nangyaring iregularidad noong 2016 elections at kung paano binago ang resulta nito.

Diin ni Sotto, na napaka reliable ng kanyang source na handang humarap sa isang executive session.

Facebook Comments