MAY KUNDISYON? | Malacañang, tiniyak na walang kapalit ang tulong pinansyal ng European Union

Manila, Philippines – Titiyakin ng Malacañang na walang anumang kapalit ang ibibigay ng European Union na €3.8 million o katumbas ng P241.6 million.

Base sa inisyal na impormasyon mula sa EU ito ay ilalaan para pondohan ang mga itatayong drug rehabilitation centers sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – personal niyang aalamin sa pamunuan ng National Economic and Development Authority sa kung anong uri ng economic package ang nakapaloob ang nasabing tulong.


Malinaw umano ang mga naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatanggap ng anumang tulong mula sa ibang bansa ang Pilipinas kung may mga kundisyon na nakapaloob dito.

Facebook Comments