Manila, Philippines – Kinakailangan munang magpakita ng good faith ang mga opisyal at tauhan ng New People’s Army para tuluyang maibalik ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng CPP, NPA, NDF at pamahalaan.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin, marami nang ginagawang terroristic activities at krimen ang NPA.
Giit ni Datuin na napapanahon ng itigil ng NPA ang kanilang mga ginagawang harassment, extortion at pagsunog sa mga heavy equipment ng gobyerno at ng mga pribadong kompanya sa bansa upang tuluyang maisulong ang peace talks.
Nabanggit pa ng opisyal ang dalawang pananambang na gawa ng NPA sa mga tauhan ng PNP at SAF sa Antipolo at Batangas na patunay na hindi pa sila dapat kausapin sa ngayon.
Pero sa huli ay nakadepende pa din aniya sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan ibabalik ang peace talks.