Manila, Philippines – Naibalik na ang supply ng kuryente sa mga lugar sa Eastern Visayas matapos ang magnitude 6.5 na lindol noong Hulyo 6.
Ayon kay Atty. Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines, simula kagabi, una nang naibalik ang supply ng kuryente sa Biliran, Leyte at Northern Samar.
Gayunpaman, aminado si Alabanza na hindi pa full supply ang kuryente kaya mayroong rotational brownout.
Sa ngayon, hindi pa masabi kung kailan maibabalik sa normal ang kabuuang power supply sa lugar.
Dagdag pa ni Alabanza, puspusan na ang ginagawa nilang pag-sasaayos ng mga nasirang transformers upang maibalik sa normal ang supply ng kuryente sa Eastern Visayas sa lalong madaling panahon.
Facebook Comments