MAY LUMUBAG | LTFRB, aminadong mayroong mga lumabag sa panuntunan ng mga ibinigay na Fuel subsidy para sa mga Jeepney operator at driver

Manila, Philippines 0 Inihayag ng Land transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na patuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng mga Fuel Vouchers o mga ayuda sa mga operatos ng jeepney dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

5000 pisong fuel subsidi ang ibinibigay ng LTFRB bilang pagsunod narin ng Pantawid Pasada Program ng Administrasyon.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III sinimulan nila ang pamamagagi ng mga cash vouchers noong hulyo kung saan ayon sa Landbank of the Philippines ay mayroon silang naitalang mga lumalabag sa panuntunan sa paggamit ng mga fuel vouchers.


Kabilang aniya sa mga violations ay ang pag withdraw ng pera sa ATM gamit ang cash vouchers at ginagamit sa ibang paraan na hindi aniya dapat ginagawa.
Paliwanag ni Delgra, hindi ito dapat ginagawa dahil posibleng maharap sa parusa ang mga benepisyaryo na gagamitin sa iba ang cash subsidy na nakalaan lang para sa gasolina.

Facebook Comments