MAY MALUBHANG SAKIT | Ilang kapwa singer, nagpa-abot ng dasal kay Aretha Franklin

Hollywood – Nagpa-abot ng dasal ang ilang kapwa singer para sa tinaguriang “Queen of Soul” na si Aretha Franklin matapos na mapaulat na malubha ang kalagayan nito.

Nabatid pa na ang 76-year-old legendary singer ay posibleng pumanaw na anumang oras.

Una nang nagulat sa balita ay ang Aerosmith Frontman na si Steven Tyler na nakikiramay sa sitwasyon ngayon ni Franklin.


Habang ang mag-asawang Pop Diva naman na si Beyonce at rapper na si Jay-Z ay inialay ang kanilang isang show kay Aretha.

Nag-perform pa sila sa Michigan State partikular sa lungsod ng Detroit kung saan nakatira ang “Natural Woman” hitmaker kasama ang kanyang pamilya.

Napag-alaman na ilang taon nang may problema sa kalusugan si Franklin at noong nakaraang taon nang magdesisyon ang multi-awarded singer na bumaba sa kanyang trono at mag-retire kasabay ng kanyang pag-release ng huli niyang album.

Facebook Comments