Manila, Philippines – Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino Chinese Community na magdiriwang ng Chinese New Year.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte ay pinahalagahan nito ang hindi mapapantayang pagkakaibigan ng Pilipinas at China na nagbigay ng malaking ambag sa kultura at kalakalan ng bansa na siya rin naman aniyang humuhubog sa national identity at pagtataguyod ng ating kultura.
Dahil aniya dito ay napagtibay ang patuloy na pagkamit ng pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa mensahe ay hinahangad ni Pangulong Duterte ang masayang pagdiriwang ng Chinese New Year at umaasang mapapatatag pa ang pagkakaisa ng Filipino Chinese Community tungo sa mas maunlad at multi-faceted Filipino heritage.
Facebook Comments