Manila, Philippines – Naniniwala si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at Marikina Representative Bayani Fernando na hindi dapat tanggalin o ipagbawal ang mga jeepney sa lansangan.
Sa ginanap na Forum sa Manila Bay, sinabi ni Fernando na makabubuti rin na suportahan o i-subsidize ng gobyerno ang industriya ng jeep dahil hindi sapat ang Mass Transport System at maging ang mga sasakyan.
Payo ni Fernando sa pamahalaan, dapat bilhin ang mga lumang jeep sa mga may-ari nito at isama na rin ang mga prangkisa na ibebenta naman sa mga nasa lalawigan kung saan kulang na kulang ang mga sasakyan.
Mas nais ng kongresista na sunugin na lamang ang mga behikulo ng mga sangkot sa paglabag sa mga batas trapiko upang magsilbing aral sa mga patuloy na lumalabag dito.
MAY MUNGKAHI | Pagtanggal ng jeep, hindi pinaboran ni dating MMDA Chair Bayani Fernando
Facebook Comments