MAY NANALO NA! | 3 PBA players, paparangalan

Quezon City – Tatlong PBA players ang paparangalan sa 24th Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) awards night sa November 30 na gaganapin sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Tatanggapin ni LA Tenorio ang order of merit award dahil sa ilang beses niyang pagiging player of the week noong nakaraang PBA season.

Itinanghal naman bilang Might Sports Scoring Champion si Terence Romeo matapos na makapagtala ng average 23.3 points sa buong paglalaro niya sa PBA.


Nangunguna naman sa all-rookie team si Roger Pogoy kasama sina Matthew Wright ng Phoenix, Jio Jalalon ng Star Hotshots, Kevin Ferrer ng Barangay Ginebra at si Reden Celda ng Kia.

Itatampok din sa awards night ang presentasyon ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy na ipinangalan sa namayapang PBA mentor na itinuturing na pinakamahusay na coach sa bansa.

Ibibigay din ang Danny Floro Executive of the Year Award na tribute naman sa dating team owner ng Crispa Redmanizers.

Facebook Comments