MAY NILABAG? | BFP, sinisilip kung may paglabag sa fire code ang muling nasunog na HTI sa Cavite

Cavite – Nasunog ang dalawang gusali kabilang ang House Technology Industries (HTI) sa Cavite Economic Zone sa Rosario, Cavite.

Nagmula ang apoy sa bahagi ng pabrika kung saan ginagawa ang mga bintana at pintuan.

Inaalam na ng Bureau of Fire and Protection (BFP) kung may paglabag sa fire code ang HTI at SCAD Services.


Tiniyak naman ng PEZA na patuloy na makatatanggap ng sahod ang lahat ng apektadong empleyado.

Aabot sa 245 million pesos ang iniwang pinsala.

Nabatid na nasunog na ang HTI noong Pebrero 2017 kung saan tatlo ang nasawi at higit 100 ang nasugatan.

Facebook Comments