Manila, Philippines – Nababahala si Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao sa ginawang pag-aresto ng mga otoridad kay Rafael Baylosis, isa sa mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines.
Sa interview ng RMN kay Casilao, isa sa miyembro ng Peace Committee ng House of Representative, sinabi nito na tila may nilabag ang gobyerno ang proseso ng termination sa peace talks.
Kaya ang pag-aresto aniya kay Baylosis ay paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG), maging sa karapatan ng NDF consultant sa due process.
Patuloy din ang panawagan ng mambabatas sa Duterte Administration na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista.
Una nang hinimok ni NDF Founding Chairman Jose Maria Sison ang New People’s Army na magsagawa ng mas maraming pag-atake laban sa gobyerno upang mapilitan ang gobyerno na ipagpatuloy ang peace talks.
MAY NILABAG? | Gobyerno, lumabag daw sa proseso ng termination ng peace talks – Casilao
Facebook Comments