MAY NILABAG? | OSG, idedepensa ang desisyon ng SEC laban sa Rappler

Manila, Philippines – Tiniyak ng Office of the Solicitor General na idedepensa nito ang desisyon ng Securities and Exchange Commission laban sa news online site na Rappler.

Ito ay sakaling umapela sa mga hukuman ang Rappler makaraang kanselahin ng SEC ang certificate of incorporation nito.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ipinapakita lamang sa desisyon ng SEC na kahit ang maimpluwensyang media organization ay hindi maaring lumagpas sa itinakda ng konstitusyon.


Sa desisyon ng SEC, inihayag nito na nilabag ng Rappler ang Foreign Equity Restriction ng 1987 Constitution.

Nakasaad sa nasabing probisyon na ang pagmamay-ari at pangangasiwa ng mass media sa bansa ay limitado lamang sa mga Pilipino.

Una nang inihayag ng SEC na tumanggap ang Rappler ng pondo mula sa Omidyar Network, isang investment firm na itinayo ng e-Bay founder na si Pierre Omidyar at may tanggapan sa Estados Unidos, India, South Africa, United Kingdom at Singapore.

Facebook Comments