Manila, Philippines – Magsasampa ngayong linggo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng ikalawang kasong kriminal laban kay Piston National President George San Mateo.
Ito ay kasunod ng mga ikinasang serye ng protesta at tigil-pasada para kondenahin ang Jeepney Phase-out Program at Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok.
Ayon kay LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada nilabag ni San Mateo ang Section 20 ng Commonwealth Act 146 O Public Service Act.
Hindi naman matitinag si San Mateo sa ihahaing kaso laban sa kanya.
Nabatid nitong Disyembre 2017, pansamantalang nakalaya si San Mateo matapos maglabas ang Quezon City Metropolitan Trial Court ng arrest warrant laban sa kanya dahil sa paglabag sa nasabing batas matapos ang ikinasang transport strike ng grupo noong Pebrero 2017.