MAY NILABAG | Sandra Cam, tatanggalin sa PCSO?

Manila, Philippines – Posibleng suspindihin o tanggalin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Board Member Sandra Cam dahil sa kaniyang mga bintang laban sa tanggapan at iba pang paglabag, ayon kay General Manager Alexander Balutan.

Ayon kay Balutan, bukod sa mga paninira sa PCSO, naglalabas din si Cam ng “confidential documents” ng tanggapan at hindi rin aniya inirerespeto ni Cam ang PCSO Chain of Command at tuloy rin sa paglabag ng kartilya o charter ng kanilang opisina.

Dahil dito, ipinarating na rin ni Balutan ang isyu sa Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations na may hawak sa PCSO.


Hindi naman natinag si Cam at igiiniit na iniiba lang ni Balutan ang usapan para matabunan ang usapin sa PCSO Christmas party issue na iimbestigahan na ng Kamara.

Inaasahang muling magkikita sina Cam at Balutan sa PCSO board meeting sa isang linggo.

Facebook Comments