MAY PAALALA | DOH, pinaalalahanang ang publiko mag-ingat ngayong pumasok na ang panahon ng tag-init

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na mag ingat sa heat stroke dahil hindi lamang sunog ang pinaghahandaan kapag pumasok na ang buwan ng Marso kasabay din nito ang paglaganap ng mga sakit tuwing panahon na ng tag-init.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ang panahon ng tag-init maraming umuosbong na mga sakit tulad lang ng pagkahilo,mga sakit sa balat tulad ng bungang araw, sunburn, fungal infection gaya ng hadhad, buni at an-an nariyan din ang pigsa ang nakakahawang bulutong at ang ma- dehydrate o ang mabilis na pagkawala ng tubig sa katawan na mauwi sa heat stroke na nakakamatay kapag hindi maagapan.

Kayat payo ng DOH magsuot ng maninipis na damit o magdala ng pananggalang sa init ng panahon tulad payong pamaypay at uminom ng maraming tubig ugaliin maligo maglagay ng sunblock sa mukha at katawan o magpabakuna.,


Iwasan din ang kumain sa mga ambulant vendor o mga ibinibintang pagkain sa mga bangketa maging ang mga pampalamig na inumin masmainam na magdala ng sariling tubig inumin at pagkain upang mapangalagaan ang kalusugan.

Facebook Comments